Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Mag-tiya na tulak, tiklo ng PDEA

$
0
0

REHAS na bakal ang kinasadlakan ng isang 64 anyos na biyuda kasama ng kanyang pamangkin matapos silang arestuhin ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) matapos silang makumpiskahan ng shabu at mga drug paraphernalia nang halughugin ang kanilang bahay noong March 13, 2013 sa Columbio, Sultan Kudarat.

Kinilala ni  PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr.  ang mga nahuling suspek na kinilalang sina Lanie Lominog, 36 anyos , may asawa , walang trabaho at residente sa Barangay San Pablo, Tacurong City, Sultan Kudarat; at kanyang tiyahin na si Alma Datoon, 64 anyos, isang biyuda , walang trabaho ng Barangay Poblacion, Columbio, Sultan Kudarat.

Sa bisa ng isang search warrant laban sa mga suspek, alas  6:00 ng umaga noong March 13, 2013, ng salakayin ng mga operatiba ng PDEA Regional Office 12 (PDEA RO12) sa pamumuno ni Director Aileen Lovitos at Columbio Municipal Police Station ang kanilang bahay sa nasabing lugar .

Nakumpiska sa loob ng kanilang bahay ang ilang piraso ng ebidensiya na kinabhbilangan ng mga nilamukos na aluminum foils na may bahid ng shabu, mga lighters, isang ‘sumpak’ na may lamang bala ng shotgun, gunting at 3 cellphones.

Napag-alaman na nagsisilbing “one –stop- shop” ang bahay ng mga suspek at doon binibili ang shabu at doon na rin umano ginagamit ng kanilang mga kliyente.

Ang dalawa ay nahaharap sa kasong paglabag sa Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) at Section 12 (Possession of Paraphernalia), Article II Republic Act 9165, ang magtiyahin na kapwa detenido sa Sultan Kudarat Provincial Jail.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>