DINAKIP ang isang binatilyo matapos ireklamo ng pangmamaltrato sa nakababatang kapatid na babae sa Caloocan City Linggo ng umaga, Marso 17.
Nakilala ang dinakip na si Eugene Cañotal, 17, ng Kabulusan 1 ng lungsod.
Nabatid na nagreklamo ang 15-anyos na dalagita na kapatid ng suspek sa mga barangay tanod na minamaltrato siya ng kanyang kuya.
Humingi ng tulong sa mga pulis ang mga barangay tanod na naging dahilan upang dakpin ang suspek at dalhin sa presinto upang maimbestigahan sa kasong pangmamaltrato sa nakababatang kapatid.