Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

419 kilos botcha nasabat sa Caloocan

$
0
0

baboyDAHIL sa pinaigting na kampanya ng administrasyon ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri laban sa botcha ay nasamsam ng lokal na pamahalaan ang aabot sa 419 kilos ng double dead na karne ng baboy sa isinagawang surprise inspection sa isang palengke sa naturang lungsod.

Kaugnay nito, patuloy naman ang isinasagawang regular inspection sa lahat ng palengke na matatagpuan sa lungsod upang matiyak na walang double dead na karne na makalulusot at maibebenta sa mga residente.

Sa nakalap na impormasyon kay Dr. Teodoro Rosales, hepe ng City Veterinary Office (CVO) ng Caloocan City, kasalukuyan silang nagsasagawa ng regular inspection sa 3rd Avenue Market nang madiskubre ng mga ito ang mga double dead na baboy na hindi na napagpipira-piraso.

Bagama’t hindi natukoy kung sino ang nagmamay-ari ng mga nasabing karne ng baboy ay agad itong dinala sa tanggapan ng CVO para hindi na ito maibenta pa sa mga

residente habang inaalam naman ang pagkakakilanlan ng negosyanteng nagdala nito sa palengke upang masampahan ng kaukulang kaso.

Ayon naman kay Echiverri, nagtatag na rin ang lokal na pamahalaan ng Bantay Karne Task Force na siyang magbabantay sa lahat ng palengke na matatagpuan sa lungsod upang matiyak na walang botcha na makalulusot sa mga pamilihan.

Base sa pag-aaral ng mga dalubhasa, labis na makaaapekto sa kalusugan ng mga residenteng makakain ng double dead na karne kaya’t pinayuhan ni Echiverri ang mga mamimili na suriing mabuti ang mga bibilhing pagkain.

Binalaan din ni Echiverri ang mga negosyante na tigilan na lamang ang pagtitinda ng karneng botcha dahil malaking abala ang sasapitin ng mga ito sakaling mahuli ng mga awtoridad bukod pa sa masamang epekto nito sa katawan ng taong makakakain.

Hiniling naman ng alkalde sa mga residente na makipagtulungan sa lokal na pamahalaan upang mahuli ang mga negosyanteng nagtitinda ng karneng botcha sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan ng mga ito sa pulisya kapag may nakitang kahina-hinalang double dead na karne.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>