Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Palugit sa pagkuha ng bangkay ng Royal Sulu Army, paso na

$
0
0

WALA pang sagot mula sa mga kinatawan ng Pilipinas ang Malaysian government para makuha ang bangkay ng mga namatay na miyembro ng Royal Sulu Army sa Sabah standoff.

Ayon kay Sabah Police Commissioner Datuk Hamza Taib,  isasailalim na nila sa post mortem examination ang 22 sa 28 bangkay ng mga suspect na nalagas sa inilunsad na “Ops Daulat” ng Malaysian government sa isla ng Borneo.

Una nang nagbigay ng three-day deadline noong nakaraang linggo ang Malaysia, alinsunod sa Geneva Convention, para makuha ng Pilipinas ang bangkay ng mga kababayan.

Pero ayon kay Hamza, hanggang ngayon ay wala pa rin silang natatanggap na formal request mula sa Philippine authorities kaugnay sa nasabing usapin.

Simula nang ilunsad ng Malaysia ang offensive operations sa Sabah, umakyat na sa 62 ang napatay, 104 ang nakaditine at 241 naman ang naaresto kahapon matapos pumasok sa tinaguriang “red zone areas” sa bayan ng Lahad Datu.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129