LAOAG CITY – Patay ang 61-anyos na lalaki matapos masabugan ng dinamita habang nangingisda sa karagatan ng Burgos, Ilocos Norte, kahapon ng umaga.
Ang biktimang hindi na umabot sa ospital ay nakilalang si Roberto Bucao, ng Barangay Bubon, Burgos, nasabing lalawigan.
Sa report, sinabi ni SPO4 Rodolfo Bernardo, Burgos deputy chief of polce, naganap ang insidente bandang 7:30 ng umaga sa dagat na nasasakupan ng Barangay Bubon.
Ayon sa ulat hindi alam ng kapwa mangingisda ni Bucao na may dalang dinamita ito upang gamitin sa iligal na pangingisda.
Sinabi ng isang kasamahan ng biktima sa police, na sinindihan ni Bucao ang dinamita ngunit sumabog ito noong akmang ihahagis nya na.
Ang biktima ay nagtamo ng malalalim na sugat sa kanyang katawan at naputol pa ang kanang kamay nito.