Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Lalaki kulong sa pagpapaputok ng baril

$
0
0

KAHIT hindi nakuha ang baril na pinaputok, kulong pa rin ang isang lalaki matapos ireklamo ng alarm and scandal sa Caloocan City, Martes ng gabi, Marso 19.

Nakilala ang suspek na si Romeo Morong, 33,  ng Daang Bakal st., Tondo, Manila.

Base sa ulat, dakong alas-6 ng gabi nang magpaputok ng baril ang suspek sa Kawal, Tabing Ilog, Caloocan City na naging dahilan upang itawag sa mga pulis.

Nang respondehan ay dinakma ang suspek subalit wala na ang baril na ipinaputok.

Nakuha sa lugar ng insidente ang isang basyo ng bala ng kalibre .45.

Dahil may nagreklamo sa suspek ng alarm and scandal, hindi ito nakaligtas sa paghimas ng selda.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>