Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Bagitong parak, tinaniman ng bala sa ulo

$
0
0

TODAS ang isang bagitong pulis makaraang barilin nang malapitan habang nagpapa-load ng kanyang cellphone sa Tondo, Maynila, Miyerkules ng madaling araw.

Naisugod pa sa Mary Johnston Hospital ang biktima na si PO1 Jessie Boy Lorenzo, binata, nakatalaga sa Regional Police Support Batallion (RPSB) ng National Capital Regional Office sa Bicutan, Taguig City at residente ng Camagong St..,Tondo, ngunit binawian din ng buhay.

Patuloy namang naghahanap ng testigo upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek na mabilis na tumakas matapos isagawa ang krimen.

Batay sa ulat na isinumite ni Det. Anthony Boncan, kay P/Insp. Steve Casimiro, hepe ng Manila Police District Homicide Section, dakong12:10 ng madaling araw nang maganap ang pananambang sa biktima sa Laurel Street, malapit sa panulukan ng Chesa St., sa Tondo.

Nabatid sa report ng pulisya, papasok na ang biktima, para mag-duty sa LRT, nang maisipan nitong magpa-load sa malapit na tindahan nang lapitan ng gunman at binaril. Nagsilbi namang look-out ang tatlo pang kasama nito.

Nang bumulagta ang biktima, ay mabilis na tumakas ang mga suspek.

Dinala sa morgue ang bangkay ng biktima para sa kaukulang awtopsiya.

Inaalam pa ang kung sino ang mga suspek at kung ano motibo sa krimen.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129