Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Suspek sa pagpatay, na praning sa MPD jail

$
0
0

TILA natulala at mistulang nagkaroon ng diperensiya sa pag-iisip ang isang 21 anyos na lalaki habang naka piit sa Manila Poiice District-Integrated Jail , matapos matimbog nang ituro itong suspek sa pagpatay sa isang 17 anyos na binatilyo nitong nakaraang Pebrero 26, sa Isla Puting Bato sa Tondo, Manila.

Tinurtyur umano ng ilang pulis sa MPD-Jail ang suspek kung kaya’t napraning si Romeo Briado.

Kaugnay nito, lumiham ang ina nito at humingi ng tulong kay Manila Mayor Alfredo Lim na siya naman umanong tinugunan at pina-iimbestigahan na ang kaso.

Diumano’y frame up lamang ang suspek sa bintang laban sa pagkamatay ng biktimang si Melvin Lingon, matapos umanong tumangging ibigay ang banig para kay Briado.

Dalawang testigo umano ang nagbigay ng salaysay na nakilalang sina Eduardo ArJeno, 26, at MJ Angullo at tumayong testigo laban sa nasabing suspek.

Gayunman, nang magsagawa ng imbestigasyon ang Manila Police District-homicide section, nalaman na sina Arjeno at Angullo ang tunay na sumaksak kay Lingon ayon sa testigo at hindi si Briado.

“Ang nangyari yong tunay na suspek pa ang nagturo dito, na siyang sumaksak kaya siya ang ikinulong ng pulis,sumulat sa akin itong magulang at sinabi rin mismo nong ina ng biktima na hindi ito (Briado) ang pumatay sa kanyang anak,” ayon kay Lim.

Nabatid na nakaranas ng trauma si Briado,habang nakakulong sa MPD-Integrated Jail,kaya iniutos ni Lim na ilipat na ito sa detention cell ng homicide at magsagawa ng imbestigasyon kung papaano “nawala sa kanyang sarili” si Briado.

Gayunman, napag-alaman sa rekord ng pulisya, si Arlejo umano ay sangkot sa pagpatay sa isang beteranong miyembro ng MPD na si SPO3 Panlilio may ilang buwan na ang nakakaraan sa Isla Puting Bato sa Tondo at napadpad ito ng alon sa Navotas City.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>