DAHIL hindi nakuha sa santong dasalan, sa santong paspasan nasungkit ang isang dalagita ng kanyang manliligaw na kanyang binasted sa Dagupan City nitong Martes ng gabi.
Sa ikinasang follow-up operation kaninang umaga, nahuli naman agad ang suspek na si Jefferson Perez, 27, tubong Samar, ng Barangay Pantal, Dagupan City, sinampahan ng kasong panggagahasa sa biktimang itinago sa pangalang Sarah, 14.
Bago ito, binasted ng biktima ang suspek kaya dahil sa sama ng loob ay ikinasa ang maitim na balak sa kanyang sinasambang dalagita.
Kaya nang pauwi na nitong nakaraang Martes at masalubong ang biktima ay tinutukan ito ng kutsilyo at dinala sa Tondaligan beach at doon ay ilang ulit na ginahasa.
Matapos namang pauwiin, nagsumbong agad ang biktima sa kanyang mga magulang na dumulog sa himpilan ng pulisya para ireklamo si Perez.
Nasa pangangalaga ngayon ng Department of Social Welfare and Development ang biktima.