Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Gumahasa at nang-hostage ng ginang patay sa SWAT

$
0
0

PATAY ang isang lalaki na gumahasa at nang-hostage sa isang ginang nang barilin ng mga rumespondeng tauhan ng Special Weapons and Tactics (SWAT) ng Pasay police kahapon sa Pasay City.

Kinilala ni Pasay city police chief Senior Supt. Rodolfo Llorca ang suspek sa pamamagitan ng nakuha sa kanyang ID na si Manolo Marcaida Gonzales, walang tiyak na tirahan, namatay habang isinusugod sa Pasay City General Hospital sanhi ng mga tama ng bala  sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ginagamot naman sa Manila Adventist Medical Center ang 33-anyos na ginang sanhi ng dalawang tama ng saksak sa dibdib at mga sugat sa magkabilang kamay.

Sa imbestigasyon, nagpapatrulya sina PO2 Leo Chavez at PO2 Pellevello Geremy sa kanto ng Buendia at Harrison St., dakong alas-4:35 ng hapon nang mapansin ang suspek na may bitbit na patalim.

Nang aarestuhin ng mga pulis ang suspek, nagtatakbo ito patungo sa isang compound at tinutukan ng patalim ang ginang bago kinaladkad papasok sa kanyang bahay sa 135 David St.

Tinangka namang kausapin ng dalawang pulis ang suspek at hinimok na sumuko subalit sa halip ay kumuha pa ng isang patalim sa kusina at nagbanta na papatayin ang ginang kapag nagtangkang pumasok ng bahay ang mga pulis.

Dito na dumating ang mga operatiba ng SWAT at Special Operations Unit sa pamumuno ni C/Insp. Ernesto Eco at kinumbinsi ang suspek na mapayapang sumuko.

Hindi naman nagtagumpay ang negosasyon at tanging ang naririnig ng mga pulis ay ang palahaw ng ginang na umiiyak at humihingi ng tulong.

Nang silipin ng mga pulis ang loob ng bahay sa pamamagitan ng butas sa dingding, nakita ang ginagawa nitong panghahalay sa nakahubad ng ginang na duguan ang dibdib at kamay kaya’t napilitan na ang SWAT team na barilin ang hostage taker.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129