PATAWIRIN ngayon ang isang second year high school student nang magtangkang magpakamatay dahil sa fifth honor lamang siya sa Brgy. Umagos, Lagonglong, Misamis Oriental.
Kinilala ang biktima na si Jessamin Remadavia, 17, at mag-aaral sa Lagonglong National High School sa nasabing bayan.
Nabatid na nagtangkang magpakamatay ang biktima sa pamamagitan ng pag-inom ng insecticide at pagsaksak sa kanyang tiyan dahil hindi matanggap na fifth honor na lamang siya sa kanilang klase dahil top 1 siya noong first year high school.
Kasalukuyang naka-confine pa rin ang bitkima sa Northern Mindanao Medical Center.