Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Firewoman,1 pa huli sa buy-bust operation ng PDEA

$
0
0

ARESTADO ang isang firewoman mula sa Davao del Sur at kasama nito makaraang mahulihan ng may 120 gramo ng shabu sa isang operasyon sa inilunsad ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) noong March 19, 2013.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr. ang mga nahuling suspek na sina Ednilyn Solis, alias Dales, 27 anyos, at miyembro ng Bureau of Fire and Protection sa Kapalong, Davao del Sur; at kasama nitong si Monsour Usman, alias Bong, 32 anyos, at kapwa residente sa  No. 135 Eden Street, Michael Village, Maa, Davao City.

Batay sa ulat, bandang hapon ng ikinasa ng PDEA Regional Office 11 (PDEA RO11) ang operasyon matapos pumasok sa isang transaksiyon ang poseur buyer ng ahensiya at dalawang suspek sa bilihan ng may 120 gramo ng shabu.

Ikinasa ang abutan at bayaran sa No. 62 Torres Street, Barangay 8-A, Davao City.

Habang iniaabot umano ng mga suspek ang ginamit na  marked money ay dito na inaresto sina Solis at Usman.

Maliban sa halagang  P50,000 buy-bust money, kinumpiska rin ng mga awtoridad ang isang kotseng Toyota Corolla, na may plate number UAC-37 na umanoy ginagamit ng dalawang suspek sa iligal na transaksiyon .

Ayon  kay Cacdac, ikinukonsidera nilang isang bigtime na tulak ng droga si Solis sa Davao City, habang si Usman naman ay kasama sa target list sa  region dahil umaabot sa  halos isang milyong piso ang halaga ng nakumpiskang droga sa suspek.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>