HINDI matanggap ng isang dalaga na may bagong nobya na ang kanyang kasintahan kaya nagawa nitong kitlin ang sariling buhay sa pamamagitan ng pagbiti sa Barangay Baritan, Malabon City, Biyernes ng madaling araw.
Dead on arrival sa Pagamutan Bayan ng Malabon si Wendy Ann Framcisco y Las, 25, dalaga, taga-Naval St., Baritan, ng lungsod.
Base sa pinagsanib na imbestigasyon nina P02 Jun Belbes at P02 Ryan Isedto ng Station Investigation Division (SID) ng Malabon police, dakong alas-3:45 kaninang madaling araw nang maganap ang insidente sa bahay ng biktima.
Ayon sa ama ni Wendy na si Manuel Francisco, agad siyang humingi ng tulong sa mga kapitbahay nang matagpuang wala nang buhay ang anak habang nakabigti gamit ang nylon cord.
Nauna rito nagkaroon ng tampuhan ang biktima at ang boyfriend nitong si Patrick Ramirez na humantong sa hiwalayan may ilang linggo na ang nakalilipas.
Sinasabing nagtanim ng sama ng loob ang biktima matapos makita sa Facebook nito ang regalo at picture ng bagong girlfriend ni Ramirez.
Sa pagsisiyasat ng awtoridad, nadiskubre sa Facebook account ng biktima batay sa mensaheng ipinadala ng dalaga sa dating nobya ang buong detalye nang pagpapakamatay nito na may kasama pang larawan niya na may nakapulupot na nylon cord sa leeg.
“Pagnaglaslas ka hindi e-effective kailangan maubusan ka ng blood bago mamatay try and tested kapag kutsilyo ganun din try and tested na hindi ko pa na try ..But according to reseach in 4 minutes u die.” ayon sa FB message ng biktima.
Patuloy ang masusing imbestigasyon ng awtoridad at inaalam kung may foul play sa nasabing insidente.