Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Mosyon ni Carabuena na ipabasura ang kaso, pinalagan

$
0
0

PINALAGAN ng kampo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) traffic constable na sinapak ni Philip Morris executive na si Robert Blair Carabuena ang mosyon nito sa Quezon City court na ipawalang-bisa ang kaso laban sa kanya.

Sa pitong pahinang oposisyon, sinabi ng MMDA legal department na nirerepresenta si constable Saturnino Fabros, na ginagawa lamang ito ni Carabuena para maantala ang court proceedings. Kinasuhan si Carabuena ng direct assault upon an agent of a person in authority.

Iginigiit ng mga abogado ng MMDA na ang impormasyon na sinampa sa korte ay sapat at batid ni Carabuena na si Fabros ay isang agent of a person in authority.

Sa kanyang naunang mosyon, sinabi ni Carabuena na hindi nakasaad sa impormasyon na si Fabros ay isang ‘agent of a person in authority’.

Sinabi ng MMDA lawyers na ang prosekutor na nagrekomenda sa pagsasampa ng kaso ay wala pang konklusyon sa batas, pero isinasaad ang mga detalye ng elemento ng krimen.

Idinagdag pa na ang argumento na kung si Fabros ay isang agent of person of authority ay isang depensa lamang at maaari itong talakayin sa trial of merits.

Hiniling nila kay Judge Juris Dilinila-Callanta na tanggihan ang mosyon dahil sa kakulungan ng merito at dahil magiging sagabal din ito sa court proceedings.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>