NAGPALABAS ng thunder storm watch ang PAGASA.
Batay sa report sa radyo, ito ay kasunod nang biglang pagbuhos ng malakas na ulan sa ilang bahagi ng Metro Manila ngayong tanghali.
Kabilang sa mga nakaranas ng malakas ng ulan ang Quezon City, San Juan, Manila, Pasig, Mandaluyong, Makati Camanava (Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela.
Nasa ilalim din ng yellow rainfall advisory ang mga nabanggit na lugar na ang ibig sabihin ay makakaranas ng light to moderate rain sa loob ng tatlong oras.
Nilinaw naman ng PAGASA, na walang low pressure area at sinabi na convergence o pagsasanib ng easterlies at north-easterlies ang dahilan ng pagbuhos ng ulan.
Kaugnay nito, nagdulot ng baha sa ilang lugar sa Metro Manila ang malakas na ulan. Kabilang na sa mga binaha ang ilang bahagi ng Maynila at Quezon City.