DEDBOL ang isang foreman makaraang makuryente habang nagtatrabaho sa ginagawang gusali sa Barangay Balabag, Boracay.
Kinilala ang biktima na si Leony Molas, 52, at residente ng Sitio Pajo, Brgy. Sta. Cruz, Lezo, Aklan.
Sa report, dead on arrival sa Boracay District Hopsital ang biktima dahil sa tinamong 3rd degree burn sa buong katawan.
Nabatid na binuhat ng biktima ang mga angle bar na aksidenteng sumagi sa live wire at makuryente ito.