(UPDATE) Binuyangyang at nilaro ng isang totoy ang kanyang ari sa harap mismo ng nag-iimbestigang magandang pulis na babae sa Iloilo, kaninang umaga.
Inawat naman agad at pinagsabihan ng mga tauhan ng Barotac Nuevo Municipal Police Station ang 12-anyos na batang lalaki na ang kanyang ginawa ay isang uri ng krimen.
Naganap ang insidente dakong alas-10 ng umaga sa loob mismo ng Barotac Nuevo Municipal Police Station sa Barotac Nuevo, Iloilo.
Ayon sa mga pulis, naligaw ang menor de edad na batang lalaki kaya dinala nila ito sa Women and Children’s Protection Desk (WCPD) para tanungin ito tungkol sa kanyang sarili.
Pero habang inuusisa, laking gulat ng mga pulis lalo na ang babaeng pulis nang bigla na lamang inilabas ng binatilyo ang kanyang ari at saka nag-masturbate.
Sa pagtatanong sa binatilyo ay nabatid ng awtoridad na parehong nakakulong ang mga magulang nito.
Ipapaeksamin ang binatilyo para malaman kung may sakit itong exhibitionist o isang indibidwal na nasisiyahan kapag ipinapakita ang ari sa ibang tao partikular ang mga kababaihan habang ito ay nagpaparaos.