NAABO ang tinatayang P2 milyong halaga ng ari-arian matapos masunog ang residential at commercial complex kagabi sa Sampaloc, Maynila.
Sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog sa bahay ng isang Monet Sitioco na matatagpuan sa Atis street kanto ng Minadanao Avenue sa nasabing lugar.
Nabatid na anim na commercial establishment at siyam na kabahayan ang natupok ng apoy kung saan apektado ngayon ang may 20 pamilya.
Wala namang naiulat na namatay sa sunog maliban sa nasugatang fire volunteer na si Jess Claudio matapos nagtamo ng first degree burn sa kanang paa.
Inaalam pa ng pulisya ang sanhi ng sunog.