NATANGAYAN ng service firearm ang isang pulis Maynila ng di nakilalang suspek habang nakalagay ito sa trunk ng kanyang motorsiklo at nakaparada sa Bonifacio shrine sa Ermita, Maynila.
Personal na dumulog sa tanggapan ng Manila APolice District (MPD)General Assignment Section (GAS) ang biktimang si PO1 Mark Lester Manalo, 29, nakatalaga sa MPD-District Headquarters Suport Unit (DHSU) at residente ng 7351 J. Victor St. Pio del Pilar Makati City hinggil sa pagkawala ng kanyang kalibre .45 pistol Tauris na may serial no. na 90431.
Sa salaysay ng biktma, iparada nito ang kanyang motorsiklo sa parking lot sa likuran ng Bonifacio Shrine sa Arroceros St., Ermita, Manila.
Bagama’t nakasuot ng uniporme, tinanggal ng biktima ang kanyang baril sa kanyang holster at iniwan ito sa compartment ng kanyang motorsiklo at nagpunta sa SM Manila upang bumili ng gamit.
Nang bumalik sa parking lot ay napansin niyang nakaangat ang takip ng compartment ng kanyang motorsiklo at nang buksan nito ay nawawala na ang kanyang baril.
Bigo namang makakuha ng impormasyon ang pulis sa mga taong nasa paligid kaya nagreport na lamang ito sa MPD–GAS.