INALOK para makapagbago ang may labinglimang miyembro ng Quezon City Police District (QCPD) para matubos ang kanilang minor offenses sa serbisyo sa mismong Biyernes Santo.
Ito ang ibinigay na “options” ni Quezon City Police District (QCPD) director Senior Superintendent Richard Albano sa mga pulis na napatunayang hindi dumadalo sa lingguhang flag-raising ceremony sa Camp Karingal at maging ang mga nahaharap sa kasong administratibo sanhi ng grave offenses.
“Only those who are subjects of reprimand for tardiness or absence in our formations may join the activity as a form of penitence for their minor offense,” paliwanag ni Albano.
Sinabi ni Albano, na pangungunahan ang cross bearers, na ang aktibidades ay hindi compulsory para sa lahat ng Quezon City policemen pero inaanyayahan niya ang gustong magpenitensya sa Biyernes Santo.
May 15 pulis kabilang si Albano, ang nagpakita ng kanilang pagpayag para magpasan ng krus, kung ito man ay gaganapin sa Camp Karingal o sa Quezon Memorial Circle na ang mga istasyon ng krus ay ikakasa. Sasabayan din ito ng tradisyunal na “pabasa.”
Nang tanungin naman kung bakit siya sasali sa nasabing aktibidades, sinabi ni Albano na parte ito ng kanyang pagpipinetensya sa Araw ng Kuwaresma.
Ipinaliwanag din nito kung bakit naiispan niya itong gawin at ito aniya ay base sa doktrina na kung ang Diyos ay marunong magpatawad tao pa kaya.