NIYANIG ng 3.0 magnitude na lindol ang Butuan City kaninang madaling-araw ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Ayon sa Phivolcs, dakong 3:04 ng madaling araw nang yanigin ng lindol ang Silangan ng Butuan City.
Ang origin ng lindol ay tectonic at ang lalim sa lupa ng lindol ay 026 kilometro.
Wala namang naitalang aftershocks o napinsala sa naturang lindol.