NATAGPUANG wala nang buhay at nakabitin pa sa kuwarto ng kanyang bahay ang isang babae ng kanyang dating karelasyon sa Santan St., Villa Josepina, Matina, Davao City.
Bandang alas-5:45 kaninang umaga nang matagpuan ang bangkay ni Maria Evelyn Palermo, 21, taga-Cotabato, na nakabigti sa lubid na nakatali sa built-in cabinet.
Base sa pahayag ni Bliss Aleño Lantion, 31, ng Santa St., Villa Josefina Subdivision, Matina, Davao City, tomboy, dating kasintahan ng biktima, patuloy siyang dumadalaw-dalaw kay Evelyn dahil nasa kanya ang tatlong taong gulang na anak ng biktima na ibinigay sa kanya simula pa lamang ng ipanganak ito.
Mag-iisang linggo na umanong nananatili si Evelyn sa bahay ni Bliss mga ilang araw nang napapansin ni Argilyn Carbasa, 19, residente ng Cagayan de Oro City, bagong karelasyon ng tomboy na nakapakasensitibo ng biktima na kahit kanta lamang ay binibigyan na nito nang pakahulugan.
Ayon pa kay Argilyn, nagkasabunutan pa sila nang magalit ang biktima dahil lamang sa kantang “Ikakasal ka na.”
Nagtangka si Bliss na kausapin ang dating karelasyon ngunit nagkulong ito sa kuwarto at ayaw magpaistorbo.
Ayon pa kay Bliss, maglilimang taon din silang nagsama ng biktima ngunit dahil mahilig mambugbog ay sumuko ang tomboy at naghanap ng iba.
Hinihinala ring ang bali-balitang pagpapakasal ng tomboy sa bago nitong kinakasama ang nagtulak kay Evelyn upang magpatiwakal.