Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Seaman nagulungan ng trailer truck durog

$
0
0

NADUROG ang katawan ng 27-anyos na seaman na nagresulta sa agaran niyang kamatayan nang pumailalim at magulungan ng trailer truck matapos tumilapon habang nakaangkas sa isang motorsiklo sa Taguig City.

Agad binawian ng buhay si Nurbert Benigno Roxas, ng 131 Calubcom, Naic Cavite habang sugatan naman at isinugod sa Ospital ng Makati ang driver ng motorsiklo na si Antulin Sudario, Jr. 24 ng 22nd East Rembo, Makati City matapos  sumadsad sa lansangan.

Sa imbestigasyon ni Rodelo Lupango ng Taguig Police Traffic Management Unit, alas-2:30 ng hapon habang tinatahak ng mga biktima ang kahabaan ng northbound lane ng C-5 Road sakay ng motorsiklong may plakang 8862 UE nang masagi ng kaagapay na trailer truck ng Coca-Cola (TUC-119)  na minamaneho ni Dionisio Badua, 41, ng Brgy Dayap, Calauan, Laguna.

Dahil sa lakas ng pagkakasagi, tumilapon si Roxas at pumailalim sa trailer truck kaya’t nagulungan ang kanyang katawan habang sumadsad naman si Sudario, kasama ang kanyang minamanehong motorsiklo sa sementadong lansangan.

Sumuko naman ang driver ng trailer truck makaraan ang malagim na insidente at nahaharap ngayon sa kasong reckless imprudence resulting to homicide and physical injury.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>