SARADO na sa mga motorista ang ilang lansangan sa paligid ng Quiapo dahil na rin sa dami ng mga nagtipon-tipon na karwahe at replika ng Poong Itim na Nazareno para sa prusisyon.
Dakong alas 2:00 kaninang hapon nang magsimula ang prusisyon ng mga replika.
Nagsimula ang prusisyon sa Plaza MIranda kung saan nagtipon-tipon ang mga replika ng Black Nazarene at ito ay kumaliwa sa Quezon Blvd. kumanan sa Recto Avenue at kumanan uli sa Loyola St.,
Sunod ay kumanan pa rin sa Bilibid Viejo patungong Puyat St. kaliwa naman sa Guzman St., kanan sa Hidalgo St., kaliwa sa Barbosa St., at kanan sa Globo de Oro St.
Pasok pakanan naman sa Palanca St., at kanan pa rin sa Villalobos St, pabalik ng Plaza Miranda.
Ayon kay Bro. Nick Salimbagat Jr., committee chairman ng prusisyon na karamihan sa mga deboto at maging ang kanilang dala-dalang mga replika ng Black Nazarene ay magpapalipas na ng magdamag sa Simbahan ng Quiapo para naman sa translacion na gagawin bukas patungo naman sa Qurino Grandstand.