TINUTUGIS na ngayon ng pulisya ang grupo ng kalalakihan na halinhinang gumahasa sa isang paslit sa Cagayan de Oro City, kahapon, Biyernes Santo.
Ang suspek na si Julito Bagota, 21-anyos pa lamang ang positibong inginuso na isa sa mga humalay sa 2-anyos na batang babae na hindi pinangalan habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng iba pang suspek.
Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-3:00 ng hapon sa Sitio Pinikitan, Barangay Camaman-an sa Cagayan de Oro City.
Natagpuan na lamang ang bata ng mga residente na iika-ikang naglalakad sa kalsada at may tumutulong dugo sa pagitan ng dalawang hita.
Dahil sa maselan ang kalagayan, isinugod agad sa Northern Mindanao Medical Center ang biktima at doon kinumpirma ng mga manggamot na nagahasa ang biktima na hindi lang isa kundi ilang beses.
Sa ngayon, binigyan na ng sapat na seguridad ang biktima habang inihanda ng pulisya ang kaukulang kaso laban kay Kaboya at sa mga kasamahan nito.