KAPWA patay ang mag-live-in matapos makitahan ng mga tama ng bala habang nasa loob ng inuupahan kuwarto sa Caloocan City Biyernes ng umaga, Marso 29.
Dead on the spot sanhi ng tama ng bala sa noo si Elmer Quimbao, 34, negosyante, ng unit 19 PU apartment, Camarin ng lungsod.
Dead on arrival naman sa Nodado General Hospital sanhi ng tama ng bala sa leeg si Auravi Benolirao, 34, ng nasabing lugar.
Sa ulat, dakong alas-11:30 ng tanghali nagtatalo ang mag-live-in sa inuupahan kuwarto nang makarinig ng putok ng baril ang mga katabing kuwarto.
Nang puntuhan ay nakitang naglalakad sa pasilyo ang babae hanggang sa mawalan ng malay dahil sa tama ng bala.
Nakita naman wala ng buhay si Quimbao sa sala ng mag-live-in na naging dahilan upang si Benolirao na lang ang dalhin sa NGH.
Inaalam na ng mga pulis kung may ibang tao sa loob ng kuwarto kung saan nagsasagawa na malaliman imbestigasyon ang mga pulis hinggil sa nasabing insidente.