NAPATAY ang isang negosyante matapos itong tambangan ng hindi
kilalang riding in tandem sa lungsod ng Alaminos, Pangasinan.
Kinilala ng mga awtoridad ang biktima na si Conrado Basobas, 57-anyos,
resident ng Brgy. Palamis sa naturang lungsod.
Ayon sa imbestigasyon, pauwi umano ng kanilang bahay ang biktima sakay
ng kanyang motor nang tambangan ito ng dalawang nakamotor na
kalalakihan.
Nagawa pa umanong bumaba ng isa sa mga suspek upang maisagawa ang pamamaril.
Tinamaan ng pitong bala sa ulo at katawan ang biktimng si Basobas
mula sa kalibre .45 baril na ginamit ng mga suspek.
Naisugod pa ang biktima sa pinakamalapit na pagamutan ngunit
idineklara na itong dead on arrival.
Napag-alaman ng kapulisan na dati na itong nasangkot sa insidente ng
pamamaril noong nakaraang taon ngunit maswerteng naligtasan niya ito.
Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad at
paghahanap sa mga suspek.
Inaalam din kung may kaugnayan sa kanyang negosyo ang ginawang
pagpaslang dito