INUGA ng magnitude-5.2 quake at dalawang aftershocks ang Surigao area sa Mindanao kaninang umaga 9Marso 30), ayon sa ulat ng state seismologists.
Naunang nasukat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang lindol na magnitude 4.2, lamang pero sa kanilang updated na bulletin na ang lindol ay magnitude 5.2.
Sinabi ng Phivolcs na ang initial quake ay naitala ng 9:50 a.m., na may epicenter na 27 km hilaga-silangan ng Burgos town sa Surigao del Norte.
Naramdaman din ang lindol sa General Luna sa Siargao sa intensity IV, intensity 3 naman sa Burgos, at intensity II sa Surigao del Norte, Surigao City.