TODAS ang isang rider matapos mawalan ng control at rumampa sa bangketa sa Valenzuela City Biyernes ng madaling araw, Marso 29.
Dead on the spot sanhi ng pinsala sa ulo at katawan si Joan Indias, 24 ng NPC Sukaban, Kaybiga, Caloocan City.
Sa ulat, dakong alas-3:15 ng madaling araw, binabagtas ng biktima ang Maysan Road, Paso de Blas ng lungsod nang mawalan ng control at rumampa sa bangketa.
Kasamang tumilapon ng biktima ang motorsiklo at malakas na lumagapak sa sementadong kalsada na naging dahilan ng kamatayan.