ISANG kilabot na tulak ng shabu na kabilang sa pang-anim na target ng Philippine Drug Enforcement Agency at kasama nito ang nasakote ng pinagsanib na puwersa ng ahensiya at lokal na pulisya matapos ang isinagawang entrapment operation sa Baguio City, noong Marso 26, 2013.
Kinilala ang mga nahuling suspek na sina Mary Jane Espiritu, 27, ng 16A Rimando Road, Baguio City; at Orlando Cortez, 28, ng Lower Rock Quarry, Baguio City.
Ang dalawang suspek ay inaresto ng mga elemento ng PDEA Cordillera Administrative Region (PDEA-CAR) sa pamumuno ni Director Ronald Allan Ricardo at Baguio City Police, habang isinasagawa ang buy-bust operation noong gabi sa kahabaan ng Rimando Road.
Nasamsam sa dalawa ang 2 gramo ng shabu at drug paraphernalias at marked money na ginamit sa transaksiyon.