NAGSISIMULA nang dumagsa sa bus terminals ang mga bakasyunita at nagsisipagbalikan na sa Metro Manila galing sa pagbabakasyon mula sa mga probinsiya matapos ang Semana Santa.
Sa Araneta bus terminal sa Quezon City ay puno ng mga pasahero ang mga nagsidatingang bus mula sa Bicol bago mag-madaling-araw kanina.
Ayon sa mga manager ng bus terminal, inaasaahan pa nila ang pagdating ng mga pasahero galing Visayas at iba pang lugar sa Southern Luzon sa buong maghapon.
Gayunman, mahigpit pa rin ang ipinaiiral na seguridad ng mga nakatalagang guwardiya katuwang ang ilang kagawad ng pulisya.