TINIRA ng hindi pa kilalang mga suspek ang kita at computer set ng isang botika sa Valenzuela City, nitong Sabado ng umaga, Marso 30.
Sa ulat, alas-8 ng umaga nang makita ng mga empleyadong sina Lena Albar at Marry Grace Pizarte na wasak ang kandado ng GRX Pharmacy sa McArthur Highway sa Dalandanan, ng lungsod.
Lumalabas na nawawala ang P10,000 na nakalagay sa kaha at computer set na nagkakahalaga ng P25,000.
Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga pulis hinggil sa nasabing insidente.