PATAY ang 57-anyos na lalaking paralitiko matapos ma-trap sa kanilang nasusunog na bahay sa Brgy. Commonwealth, Quezon City kagabi Marso 30.
Kinilala ang nasawi na si Fernando Ybe, may-asawa ng 009 Katarungan St., Brgy. Commonwealth, QC.
Ayon kay SFO2 Jose Mauricio ng Bureau of Fire Protection-QC, naganap ang sunog dakong 8:50 kagabi matapos tupukin ng apoy ang bahay ng biktima sa no. 009 Katarungan St., Brgy. Commonwealth.
Nabatid sa ulat na umabot sa ikalawang alarma ang sunog na tumupok sa bahay ng biktima na pag-aari ng isang Faustina Ybe.
Na-fire-out naman ang sunog dakong 9:15 na ng gabi.
Inaalam pa ang sanhi ng sunog.