Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Aussie na dinukot ng Abu Sayyaf, nagtungo sa DOJ

$
0
0

PERSONAL na nagtungo sa  Department of Justice  (DOJ) ang napalayang Australian national na si Warren Rodwell na dinukot ng Abu Sayyaf, ilang taon na ang nakalilipas upang magbigay ng kanyang salaysay.

Ayon kay State Prosecutor Aristotle Reyes, pinanumpaan lamang ni Rodwell sa kanyang tanggapan ang isang statement kaugnay sa ginawang pagdukot sa kanya.

Ito, aniya, ay alinsunod lamang sa naging rekumendasyon ng PNP Anti-Kidnapping Group.

Sinabi ng piskal na hindi pa malinaw kung may plano si Rodwell na maghain ng reklamo laban sa kanyang mga kidnapper.

Gayunman, maari naman, aniyang, gamitin ng PNP ang salaysay ni Rodwell sakaling magpasyang paimbestigahan sa  DOJ ang insidente at magsampa ng kaso laban sa mga kidnapper.

Una nang tinukoy ni PNP Spokesman Chief Supt. Generoso Cerbo na determinado silang tugisin ang mga responsable sa pagdukot kay Rodwell.

Nangangalap na rin ng ebidensya ang PNP para suportahan ang balak nila na paghahain ng kriminal na reklamo laban sa mga sangkot sa pagdukot.

Si Rodwell ay dinukot nuong 2011 mula sa kanyang bahay sa Zamboanga, at nito lamang buwan ng Marso siya napalaya matapos ang 15 buwang pagkakabihag.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>