Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

UPDATE: 2 lalaki na naatrasan ng trak, kinilala na

$
0
0

KINILALA na ang dalawang lalaki na binawian ng buhay nang maatrasan ng truck sa Quezon City kagabi, Abril 3, 2013.

Hindi na naisalba pa ng mga manggagamot sa East Avenue Medical Center (EAMC) sina Philip Amoncio, 38, driver ng Isuzu truck  (UWC-948) at Felipe Cureg, 34, walang trabaho, ng Mother Ignacia St. QC.

Ayon kay Insp. Romeo Mata, chief investigator ng Quezon City District Traffic Enforcement Unit Traffic Sector 4, naganap ang insidente dakong 6:00 kagabi sa kanto ng Sct. Borromeo at Quezon Avenue, Brgy. South Triangle, QC.

Sinabi sa ulat na naiwan ng driver ang kanyang truck na hindi naka safety break at nagtungo sa likurang bahagi ng kanyang truck para  bigyan ng karton ang isa pang biktima na hinihingi ng huli.

Biglang umatras ang truck at nagulungan ang dalawa sa likurang gulong ng sasakyan.

Huli na bago naagapan ng pahinante ng truck ang preno ng sasakyan na ikinamatay ng mga biktima.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>