PATAY ang isang lalaki nang maipit sa dalawang trak sa karambola ng sasakyan sa Antipolo sa ulat ng pulisya ngayong hapon.
Kinilala lamang ang biktima sa pangalang Leandro.
Sa imbestigasyon, sakay ng L300 van ang biktima nang banggain ng dalawang trak sa Marcos Highway, Sitio Puting Bato.
Inaalam pa kung sino ang responsable sa naganap na aksidente.