GUILTY ang hatol ng korte sa pagpatay ng isang mag-asawa sa kanilang anim na anak matapos silaban ang kanilang bahay sa England.
Hinatulan ng korte ang mag-asawang sina Mick Philpott, 56, at Mairead, 32 sa Nottingham Crown Court sa pagpatay sa kanilang anim na anak noong Mayo 11, nakaraang taon.
Ayon sa huwes na may hawak sa kaso ng mag-asawa, nagawang sunugin ng mag-asawa ang kanilang bahay para i-frame up ang ex-live-in partner ni Philpott si Dawn Bestwick na pilit kinukuha ang tatlong anak sa suspek.
Lumalabas din na kaya pa sanang iligtas ni Philpott ang mga bata sa pamamagitan ng pagdaan sa bintana ng bahay pero nahuli ang lahat nang tupukin na rin ito ng apoy.
Bukod sa anim na batang namatay, napag-alamang may 11 pang anak si Philpott sa limang iba’t ibang babae.
Ang mga batang nasunog ay nasa edad 1, 2, 4, 5, 6, at 13.
“It was started as a result of a plan between the three of them to turn family court proceedings in Mr Philpott’s favour. It was a plan that went disastrously and tragically wrong.”
Ani assistant chief constable Steve Cotterill, ng Derbyshire Police force, “This has to be one of, if not the most, upsetting case any of us has ever investigated.”