ISA na namang bata ang dinukot sa Quezon City sa ulat ng pulisya ngayong gabi lamang.
Kinilala ang bata na si Lovelio “Buboy” Mendoza, isa at kalahating taong gulang, dinukot ng hindi nakilalang lalaki sa Roosevelt, Quezon City.
Ayon sa ina ng biktima, kasama niya ang anak at bumibili siya sa tindahan nang malingat at hindi makitang nabitbit na ng lalaki ang bata.
Ayon sa ilang nakakita, isinakay ang bata ng isang lalaking inilarawang matangkad, kulot ang buhok, malaki ang katawan at maitim.
Kamakailan lang ay dalawang bata rin ang naunang dinukot sa Taguig City na hanggang sa kasalukuyan ay pinaghahanap pa rin.