BASAG ang mukha ng dalawang lalaking lasing na magka-angkas sa motorsiklo makaraang bumangga sa isang pampasaherong bus sa Commonwealth Avenue, Quezon City.
Sa report sa radyo, nakilala ang mga biktima na isang alyas Bebeng at Marieto Balgos.
Bukod sa lasing ang mga biktima ay wala ring suot na helmet ang mga ito.
Salag naman ng konduktor ng Precious Grace Transport Bus na si Gerald Catibog, mabagal lamang ang kanilang takbo at nagulat nang may kumalabog sa likod ng kanilang bus.
Iniimbestigahan na ng awtoridad ang pangyayari.