SUGATAN ang isang bottle collector nang sumabog ang granadang kinakalikot nitong buksan sa Pangasinan kaninang umaga (Abril 4).
Isinugod sa Urdaneta District Hospital sanhi ng tinamong shrapnels sa 2 kamay at hita ang biktimang si Roderick Ramos, residente ng Arellano St., Binalonan, Pangasinan.
Sa ulat ni Senior Inspector Ryan Manongdo, Pangasinan police spokesman, naganap ang pagsabog dakong 10:35 ng umaga sa Arellano Street sa Binalonan, Pangasinan.
Sinabi ni case investigator PO3 Francis Ido, inaayos ng biktima ang mga bote na nakolekta niya sa mga bahay-bahay nang Makita nito ang isang granada sa isa sa sakong kanyang bitbit.
“Dini-disassemble niya para makakuha ng bronze na makikita loob ng granada,” pero sinabi ni Ido na sumabog na agd ang granada bago pa ito mabuksan.