Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Binata kritikal sa bala

$
0
0

KRITIKAL ang isang binata matapos barilin ng hindi pa kilalang suspek habang ang una ay naglalakad sa Caloocan City Huwebes ng madaling araw, Abril 4.

Inoobserbahan sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center sanhi ng tama ng bala sa likod si Belmundo Gonzaga, 38 ng Villarama st., BMBA ng lungsod.

Sa ulat, dakong ala-1:30 ng madaling araw, naglalakad ang biktima sa 3rd Avenue, BMBA ng lungsod nang putukan ng suspek.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman sa PDMMMC ang biktima kung saan inaalam na ng mga pulis kung sino at ano ang motibo ng una.

Samantala, mablubhang nasugatan ang isang waiter matapos pagsasaksakin ng kainuman makaraan ang pagtatalo sa loob ng bahay ng huli sa Caloocan City Miyerkules ng gabi, Abril 3.

Ginagamot sa Quezon City General Hospital sanhi ng dalawang saksak sa katawan si Mario Jarencio, 29 ng PNR 2, Bagumbong ng lungsod.

Nadakip naman ng mga pulis si Laberny Gonzales, 42 at kapitbahay ng biktima.

Base sa ulat, dakong alas-7:20 ng gabi, nag-iinuman ang biktima at suspek sa loob ng bahay ng huli nang magkaroon ng pagtatalo.

Nagpunta sa kusina ang suspek at pagbalik ay may dalang patalim at walang salitang pinagsaksak ang biktima.

Dinala ang biktima sa QCGH habang nadakip naman ng mga pulis ang suspek at inaalam na kung ano ang pinagtalunan./Rene Manahan


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>