Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

2 paslit nalunod sa engkantadong creek

$
0
0

RIZAL – Patay ang dalawang paslit matapos na malunod nang magkasabay na tumalon para maligo sa  kinatatakutang sapa kahapon ng umaga sa Antipolo City.

Kinilala ni Antipolo city chief of Police P/Supt. Manuel Placido ang mga biktima na sina  Rolando Lakandula, 9 anyos, at Vince  Calvin Lupo, 9 anyos kapwa residente ng Sitio Majayjay, Brgy. Munting Dilaw ng nasabing lungsod.

Sa ulat, dakong alas-10:20 nang umaga nang makitang tumalon ang dalawang bata sa malalim na bahagi ng Sala Creek sa nasabing lugar subalit hindi na lumutang.

Ayon sa testigong si  Rodrigo Dural, 54 anyos, may asawa, residente rin ng nasabing lugar, nakita niya ang magkaibigan na naglalakad patungo sa nasabing creek.

Nakita rin ng testigo na magkasabay na tumalon ang dalawang bata sa nasabing sapa at hindi na lumutang kung kayat ipinagbigay alam niya ito sa mga kalugar na humingi ng tulong sa mga awtoridad.

Unang narekober ng mga divers ang katawan ni Lakandula at agad na isinugod sa Camillan Sister’s Polymedic subalit hindi na umabot ng buhay habang si Lupo ay narekober naman pagkalipas ng ilang oras at hindi na rin umabot ng buhay sa pagamutan.

Ayon sa mga residente, pinagbabawalan nang maligo ang mga bata sa nasabing lugar dahil sa delikado para sa mga bata at ayon pa sa mga ito ay mayroong engkanto sa nasabing sapa.

Ang mga bangkay ay dinala sa Rizal Crime Laboratory para mabatid kung may iba pang dahilan ng pagkamatay maliban sa pagkalunod.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>