Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

‘Election posters’ nina Calixto, del Rosario pinababaklas

$
0
0

INATASAN ng Commission on Election (Comelec) ang dalawang kandidato sa pagka-alkalde ng Pasay City na kusang loob na nilang baklasin ang kanilang mga “election posters” at tarpaulin na ikinabit sa mga bawal na lugar.

Ang naturang kautusan ay ipinadala sa pamamagitan ng notisya kina Mayor Antonino Calixto at sa katunggaling si Jorge del Rosario gayundin sa 19 na kandidato na pawang tumatakbo bilang mga konsehal sa ikalawang distrito ng lungsod, pati na ang tumatakbong congressman at vice mayor at dalawang party list.

Ayon kay Comelec officer Atty. Frances Arabe ng Pasay City District 2, binigyan lamang nila ng tatlong araw mula noong Miyerkules sina Mayor Calixto at Jorge del Rosario at ang 19 na kandidato na baklasin ang kanilang mga tarpaulin at posters na nakasabit sa bawal na lugar pati na rin ang poster na sobra-sobra sa sukat na 2×3 na nakalagay sa common poster area.

Sinabi ni Atty. Arabe na karamihan sa nakuhanan nila ng larawan ay ang illegal na paglalagay ng mga poster sa mga puno, kawad ng kuryente, pribadong sasakyan na sobra-sobra ang sukat, poste ng ilaw at maging sa mga basurahan.

Nilinaw naman ng Comelec officials na pawang sa District 2 pa lamang ang kanilang pinuntahan at kinuhanan ng larawan. Hanggang ngayong araw na lamang (Biyernes) ang taning ng Comelec sa mga pinadalhan ng paalala upang tanggalin ang kanilang mga poster.

Sa oras aniya na hindi tumalima ang mga kandidatong napadalhan ng notice, sila na ang babaklas sa mga posters, katuwang ang mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at pulisya.

Kaugnay nito’y nilinaw rin ni Pasay city police chief Senior Supt. Rodolfo Llorca na wala sa ilalim ng kanilang kapangyarihan ang magtanggal ng mga poster ng mga kandidato at ang pagbibigay lamang ng seguridad sa mga opisyal at tauhan ng Comelec na magtatanggal ng poster ang kanilang tungkulin.

Nagbigay din ng tagubilin si Llorca sa kanyang mga tauhan na iwasang magpagamit sa sinumang kandidato at isa-isip na ang pulisya ay non-partisan lamang.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>