HINDI na nakalabas pa ng STAR toll booth exit ang isang pulis habang sugatan naman ang kaangkas nito sa motorsiklo nang ratratin ng may apat na hindi nakikilalang armadong kalalakihan sa Batangas province nitong Sabado ng hapon (Abril 7).
Dead on the spot sanhi ng tinamong tama ng bala ng kalibre .45 sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktimang si SP01 Wilfredo Luna, miyembro ng Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Force ng Batangas PNP.
Tinamaan naman ng bala sa katawan pero ligtas na sa kapahamakan ang kaangakas ni Luna na si Lauro Makayanan.
Hinahanting na ngayon ng pulisya ang apat na suspect na pinaniniwalaang ang target lang talagang iligpit ay si Luna at nadamay na lamang sa pagsalakay si Makayanan.
Sa ulat, naganap ang insidente dakong 5:15 ng hapon sa mismong STAR toll booth exit na nasa may Tanauan, Batangas.
Bago ito, huminto ang kotse ng mga biktima na may plakang (VEM-495) sa STAR toll booth exit para magbayad ng toll fee para makalabas sa Tanauan, Batangas exit.
Pero hindi pa man sila nakakabayad sa kahera, biglang sumulpot ang mga suspect at niratrat ang magkaangakas sa motorsiklo.
Paniwala naman ng pulisya na may kaugnayan sa kanyang trabaho ang pagpatay kay Luna.