Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Kuya sinaksak ni bunso, kritikal

$
0
0

KRITIKAL ang isang kuya matapos saksakin ng nakababatang kapatid sa loob ng bahay ng isa pang kapatid sa Caloocan City Sabado ng gabi, Abril 6.

Inoobserbahan sa East Avenue Medical Center sanhi ng saksak sa katawan si Joel Taway, 43 ng Phase 7-B, Bagong Silang ng lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis si Rogelio Taway, nasa hustong gulang ng nasabing lugar.

Base sa ulat, dakong alas-11 ng gabi, nakikipag-inuman ang biktima sa loob ng bahay ng isa pang kapatid sa nasabing lugar nang dumating ang suspek.

Inalok pa ng tagay ng biktima ang suspek na hindi pinansin ng huli at nagpunta sa kusina.

Makalipas ang ilang sandali ay lumabas ang suspek na may dalang patalim at walang salitang nilapitan ang biktima bago sinaksak.

Tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima sa EAMC kung saan inaalam na kung ano ang ikinagalit ng una.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>