Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Senglot natagpuang patay sa harap ng police station

$
0
0

TULUYAN nang hindi nagising ang isang lasing na lalaki matapos itong magpakalango sa alak at matagpuang wala nang buhay kaninang umaga sa Sampaloc, Maynila.

Inilarawan ang biktima na may edad sa pagitan ng 40-45, may taas na 5’3 hanggang 5’5, katamtaman ang pangangatawan, nakasuot ng kulay itim na t-shirt at brown na short pants at walang permamenteng tirahan.

Ayon kay SPO2  Glenzor Vallejo ng Manila Police District (MPD)-homicide section, dakong 6:00 ng umaga nang nadiskubreng patay ang biktima sa harapan ng MPD-Station 4, sa kanto ng Antipolo at Tuzaon Sts., Sampaloc, Manila.

Ayon kay Rolando Rotilles, rug vendor, nagdidilig siya ng halaman sa harapan ng nasabing police station nang napansin nito ang biktima na nakadapa sa semento.

Ginising umano nito sa pag-aakalang natutulog dahil sa kalasingan subalit hindi ito nagigising.

Bunsod nito, ipinaalam ni Rotilles kay SPO1 Christopher Nogoy, Desk Officer ng MPD-Station 4, ang insidente na siyang nagreport sa PD-homicide division.

Huling nakitang buhay ni Rotilles ang biktima dakong 1:00 ng madaling araw kung saan lumalaklak ng alak kasama ang isang di nakilalang lalaki.

Bukod sa umaagos na dugo sa ilong ng biktima, wala namang nakitang anumang sugat o  palatadaan na pinahirapan ito kaya hinihinalang dahil sa madalas na pag-iinum nito ang sanhi ng kanyang kamatayan dahil kilala ang
biktima sa nasabing lugar na mahilig uminom ng alak.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129