UPANG maging matagumpay ang kampanya laban sa iligal na droga naglunsad kamakailan ang Dangerous Drugs Board ng isang araw na seminar workshop sa pagitan ng media ukol sa drug preventive education ng pamahalaan.
Layon ng seminar na maipaabot sa publiko ang pandaigdigang problema ng drug trafficking at kung gaano ito nakakasama sa bawat tao sa tulong ng media.
Naging resource speaker person sa idinaos na seminar sina DDB Executive Secretary PNP Ret. Gen. at Usec. Jose Marlowe Pedregoza at PDEA Director General Usec. Arturo G. Cacdac Jr.
Naging program Coordinator si Ms. Olivia Sylvia Inciong ng United Nations Office on Drugs and Crime sa pagitan ng mga kinatawan ng tri-media na nakiisa sa seminar .
Layunin din ng programa na ma update ang media sa kasalukuyang sitwasyon ng iligal na droga sa bansa.
Ayon sa PDEA, kinakailangan aniya dito ang kooperasyon sa pagitan ng mga anti-drug abuse councils ng bawat Local Government units at law enforcement units upang maging matagumpay aniya ang kampanya .
Sinabi ni Cacdac na kung sa antas ng barangay ay doon pa lang ay puwede ng masawata ang ano mang iligal na aktibidad ng sindikato ng droga dahil madaling matukoy sa bawat komunidad kung sino ang mga drug users at pushers sa kanilang mga lugar. Doon pa lamang ay maipahuli na sa kapulisan at masasampahan ng kaso sa korte.
Idinagdag pa ni Cacdac na kung ang sitwasyon naman ay ang pagtransport ng iligal na droga sa ibat-ibang lugar at mga impormasyon na may “shabu tiangge” sa erya ay dito na makikialam ang PDEA para tugisin ang mga ito.
Noong 1997 unang naiulat ang pagkakadeskubre ng shabu laboratory sa Angeles, Pampanga hanggang sa nagkasunod-sunod na ang pagsalakay sa iba pang natunton na laboratory ng shabu nna kadalasang minamaniobra ng mga dayuhang Tsino sa bansa .