HINAHANTING na ngayon ng pulisya ang isang bakla na gumahasa at pumatay sa kursunadang binatilyo sa Iloilo kaninang Linggo ng madaling-araw.
Ang suspek na nakilala lamang na alyas Smile, isang beautician ay sinampahan na ng kaukulang kaso dahil sa pagpatay sa 14-anyos na biktima na sadyang hindi pinangalanan.
Sa ulat, natagpuan ang bangkay ng biktima dakong 1:15 a.m. sa isang pilapil sa Brgy. Tinguian, Balasan.
Ayon sa lolo ng biktima na si Ricardo delos Reyes, dumalo sa sayawan ang kaniyang apo kasama ang mga barkada dahil fiesta sa lugar.
Sa gitna ng okasyon, nakitang inakbayan ito ng suspek at kinaladkad palayo ng sayawan.
Nang kanila itong hinanap ay bangkay na nang matagpuan at walang saplot ang katawan at nakahandusay sa pilapil.
Ayon sa lolo, nagdurugo ang puwet ng kanyang apo na posibleng dulot ng pagpasok ng matigas na bagay.
Namamaga rin aniya ang ari ng kanyang apo at may senyales na sinakal ito hanggang sa mapatay. May pasa ang katawan at nabungi ang ngipin ng biktima na pinaniniwalaang hinampas ng matigas na bagay.
Naiwan naman sa crime scene ang itim na palda ng suspek. BOBBY TICZON