Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

2 bata, nalitson sa sunog sa Quezon

$
0
0

PATAY ang dalawang batang lalaki matapos tupukin ng apoy ng kanilang bahay sa bayan ng Dolores sa Quezon, Sabado ng gabi, Sept. 2.

Ayon sa report ng Quezon police office, nakilala ang mga biktimang sina Joshua Plata, 7, at kapatid na si Dave, 5.

Nabatid na nasunog ang “sawali” hut ng mga biktima sa Brgy. Bulakin 2 bandang 10:45 ng gabi.

Ayon sa kuya ng mga biktima na si Christian Plata, natutulog ang kanyang mga kapatid nang sumiklab ang sunog na agad na kumalat sa buong bahay.

Nagawa niya aniyang makatakas at makahingi ng tulong pero pagbalik niya, natagpuan nang patay matapos masunog ang kanyang dalawang nakababatang kapatid.

Nagtamo naman ng burn injuries si Christian at dinala na sa isang ospital para lapatan ng lunas.

Batay sa ulat, posibleng ang naiwan na nakasinding kandila ang naging sanhi ng sunog. JOHNNY ARASGA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>