Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Pangamba vs nandurukot ng mga bata pinawi ng NCRPO

$
0
0

PINAYUHAN ng pamunuan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang publiko na maging kalma hinggil sa kumakalat na balita na may mga sindikatong gumagala para dumukot ng mga bata dahil wala itong katotohanan.

Ang naturang paalala ng NCRPO ay kasunod nang pagkamatay ng isang apat na taong gulang na bata sa Pililia Rizal at pagkawala ng dalawang bata sa lungsod ng Taguig at Quezon City.

Ayon kay NCRPO Chief Director Leonardo Espina, wala pa silang namo-monitor na sindikatong nandudukot ng mga bata para ibenta at tanggalan ng mga laman loob.

Batay sa inilabas na datos ng NCRPO, noong nakaraang taon ay nakapagtala lamang sila ng 38 batang nawawala, 36 dito ay naibalik sa kani-kanilang pamilya dahil naglayas lamang habang ang iba naman ay naligaw at hindi nakauwi sa kanilang lugar dahil sa kanilang paglalaro.

Dagdag pa ni Espina, posibleng kapabayaan din ng mga magulang o kaya may anggulo din sinasaktan ang mga bata at naglalayas hanggang sa hindi na ito makita.

Napag-alaman pa na inatasan na ni Espina si S/Supt. Arthur Felix Asis, hepe ng Taguig City Police, na tutukang mabuti ang kasong pagkawala ng dalawang bata na sina James Naraga, 3, at Dayne Buenaflor, 4, na magdadalawang linggo nang nawawala na hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin nakikita ng  kanilang mga magulang.

Ang dalawa ay nawala matapos maglaro sa harap ng kanilang bahay na halos katabi lamang ng Barangay hall sa Barangay Wawa ng nasabing lungsod.

Sa kaso naman ng nawawalang isa’t kalahating taong gulang na batang nawawala sa Quezon City ay naibalik na ito sa kanyang mga magulang matapos dukutin ng isang lalaki.

Ayon pa kay Espina, ipinakalat na ang larawan ng lalaki na responsable sa pagdukot sa bata na nakilalang si Dennis Nabua, 27, ng Barangay Zamora ,Tayug Pangasinan at patuloy pa ring nagsasagawa ng manhunt operation ang kanyang mga tauhan upang tugisin ito.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>